About

Gender

Male


Location

Paranaque Metro Manila


Birthday:

January 14


About me

OFW Bayani Akoy isang taong matulungin kahit mismo sarili ko ibibgay ko alang-alang sa kapwa Pilipino. Since 1998 nagworking sa isang kompanyang kilala sa buong kingdom of saudi arabia Alrajhi Company since na dumating ako sa Riyadh Head ofice ng naturang kompanya ay nag hintay ako ng ilang buwan para sa proseso ng aking Iqama hanggang dumating ang aking Iqama isususnod ko sana ang Driving License habang hinihintay ko pa ang aking Driving License ay nananantili muna ako sa bahay ng isang amo ng may ari po ng naturang kompanya at biglang nagkasakit ang Driver ng Manager ay kina-usap niya ako na kung pwede daw ako muna ang maging Driver niya kahit isang Araw lang habang hindi pa dumating yung Driver na Indiano sa madaling salita nag Drive ako without License sa aking kamalasan ay biglang lumusot ang prino at nabangga ko ang Taxi at ang Taxi naman ay binangga pa niya ang isang Kotse ng katutubo habang bumababa ako sa aking pinag manihong Toyota Land Cruiser hindi mawala sa akin ang kaba dahil sa aking Status na walang Driving License at ang driver ng Taxi na Pakistani ay nagpapaalam na daw siya dahil wala naman daw nangyari sa kotse niya at ang katutubo ay pilit niya akong pababayarin sa kanyang danyus na sasakyan pero kung iyong titingnan bingga ko ang Taxi at ang Taxi nabundol lang niya ng konte ang sasakyan nang katutubo sa madaling salita nakulong ako pinasok ako sa kulungan ng alas 5:30 ng hapon at ang sabi ng aking pinagsilbihan Manager huwag daw ako mag ala-ala sa sabado ang Regular Day ditto sa Saudi Arabia bukas daw ang Office makakalabas lang daw ako maghintay lang ng dalawang araw sa loob ng kulungan wala man lang sigurong magka-gusto sa silda kahit sinong tao pero wala na akong magagawa dahil nangyari na po sa looob ng kulungan may nakita akong isang lalaki na mahaba ang buhok at maliit na tao lang siguro hindi ako nagkakamali nasa 5ft lang ang kanyang sukat lumapit ako sa kanya tinatanong ko Kabayan saan po sa atin? ang sagot pa naman niya sa akin eh sa Pampanga daw siya bigla pa naman niya sinabi rin sa akin kung ako raw taga saan daw ako sa Pilipinas sabi ko sa Kabayan Taga Cotabato po ako nga lang laking Paranaque po ako habang magkatabi kami maghapon sa kulungan at magka kwentuhan hanggang sa masakit na aking mata dahil sa hindi ko na kayang pigilin ang antok nagpapaalam ako sa kay Kabayan na matulog na lang ako bandang 5:00 AM ng madaling araw at nakakarinig ako ng isang boses na ang sabi niya Kabayan tulungan po ninyo ako at kaka-iglip ko lang kaya masakit ang aking Ulo pagdilat ko ng aking mata apat na mga katutubo ang balak gagasahin si Kabayan at hingi pa rin siya ng tulong at bumangon akot nakikipagsabayan sa mga katutubo at sa awa ni ALLAH bagsak silang lahat at biglang tumahik sa loob ng araw na yun hanggang may lumapit na tao sa aking at hinamon ako ng suntukan sa loob ng kulungan pangkatapos nang pangyayari at sinabi niya sa akin siya daw ang kakalabanin ko dahil Karate daw siya at hindi lang panis ang kanyang Master ipinamamalaki niya paulit-ulit niya sinabi sa akin.ang sabi ko naman sa kanya sino ba ang Master mo sa karate?? at bigla niyang sinabi sa akin na Filipino daw kaya magaling siya sa karate hindi ko siya pinansin sabi ko sa kanya bumalik ka na lang sa tulugan mo at magpahinga ka sinabi ko sa taong naghahamon nang away sa akin isa siyang Srilanka at hindi nakikinig sa aking sinabi at bigla pa naman niya akong suntukin at sa awa ni ALLAh naka ilag po ako sa suntok niya at binigyan ko sa ng isang kanan kamao at biglang tumama sa ilong niya ang aking kamao at sumambulat ang dugo sa mga kasamahan kong nakulong at walang tigil ang pagdugo ng kanya ilong at bigla na lang siyang hinimatay at nag Rescue naman ang mga Rescue Team at dinala sa Hospital ang isang lalaking naghamon nang away sa akin at hinahawak ako ng mga pulis ng oras na yun kasunod din noon pangyayari sa loob nang kulungan magmula ng 6:00 AM ng umaga hanggang 12:00 PM tinigilan lang nila ako bubugin ng tumawag na nang AZAN sa Mosque at pinasok nila ako sa Bartulina halos maiyak-ngiyak ako sa loob nang Bartulina sa talambuhay ko hindi ko pa naranasan ang akin pinaglalgyan sa oars na yun hindi ko mataggap pero wala na akong magagawa dahil nangyari na yun hanggang isang araw akoy gutom sa aking pinaglalagyan sa loob ng Bartulina ay humingi ako ng pagkain at hindi ako pinansin nang mga Jail Guard at pilit kong ilabas ang aking kamay para akoy mapansin man lang nila ako at bigla pa naman pinalo na Batuta ang aking kamay at hindi ko malaman kong gaano manhid ang aking kamay dahil sa aking talambuhay hindi ko pa natikman ang ganoong sakit sapul isinilang ako sa mundo hanggang sa hindi ko na ginawa kahit akoy gutom na gutom matitiis ko pa ang gutom pero sa sakit na ginawa sa akin sa pagpalo sa aking kamay ay hindi ko alam kong gaano kasakit at manhid na talaga sa mapapalagi ko sa Bartulina sa loob nang 72 oras o tatlong ay doon ko naranasan na umiinom nang tubig gripo o tinatawag nila na Baladia Water at paglipas ng tatlong araw akoy pinalabas at binalik na sa Normal na silda at napa-iyak muli ako dahil may makakausap naman ako kahit papaano ang aking tinutukoy ay yong taong aking tinutulungan at paglipas nang isang araw ay bigla akong sinundo-nang representative ng aking kompanya para ilabas ako sa una kong naging kaso Driving without License ngunit nabibigo yun pong taong susundo sa akin dahil sabi daw nang Captain ay hindi na daw ako mailabas dahil Double Case na daw aking nagawa at bigla pa naman akong pinatawag ni Captain at sinabi sa akin ang Balita na wala na daw akong pag asang makalabas dahil sa aking kasong double at pagkalipas nang isang linggo muli naman akong pinatawag ni Captain na binalita sa akin na may pag asa pa daw akong lalabas sa kulungan pero sa isang kondisyon? tina tanong ko po sa kanya kong anong paraan para akoy makalabas sa kulungan sabi niya sa akin kausap ko daw un taong aking sinaktan at gusto niya ang pera o Blood Money sabi kay Captain kung hanggang magkano po ba ang aking Blood Money???sagot pa naman sa akin Captain ang halaga na babayaran mo sa taong sinaktan mo ay hindi bababa sa Sampung libong Riyals at akoy napa yuko dahil saan ko hahanapin ang ganoon kalaking salapi na hinihingi sa akin nang taong aking nasaktan hanggat kina-usap ko na yun taong aking nasaktan at humingi po ako nang isang paumanhin sa kanya na kong pwede lang ay ibaba niya ang kanyang hinihinging Blood Money sabi niya sa akin nakapagpasya na siya at hindi na mababago ang kanyang desisyon sabi ko sa kanya sige pag hindi na magbago ang iyong isipan sige sabayan na kita sa Deportation dahil wala akong ganoon kalaking halaga hanggang nagtatagal na ako ng 40 days sa loob lang nang isang kulungan at biglang lumapit sa kin iyong taong aking nasaktan at sinabi niya na kung hindi ko kaya ang sampung libong riyals pwede ko na lang gawin kalahati lang limang libong riyals at aking sinabi sa kanya kahit limang libong riyals wala akong ganyang kalaking halaga nang pera dahil ang aking sahud kada sahud ko pinapadala ko sa aking Pamilya sa pilipinas ang aking pagtira lang ay aking pang isang buwan budget at dumating ang 42 Days ko pagtagal sa loob nang isang kulungan ay muling lumapit sa akin yun taong aking nasasaktan at muli naman niya sinabi sa akin na pag hindi ko daw kaya ang limang libo kahit dalawang libo na lang at bigla akong nagpadala nang mensahe sa aking kapatiran na taga Cotabato or mga Maguindanaon na hihingi ako nang isang saklolo sa kanila sa aking pagkasala na hindi ko naman ginusto at kailangan ko ang halagang dalawang libong Riyals para sa aking Blood Money at hindi ako nabigo sa aking mga kapatiran at nag donate sila hanggang makabuo nang dalawang libong riyals at pagdating nang 45 days ng hapon at dumating sa akin sa loob nang kulungan ang Release Order galing sa Captain na Incharge sa aking Kaso. Dito po nagtatapos ang kabuohan nang aking historyang tunay na pangyayari. kong pwede lang isa pilikula gusto ko sana ang magdala nang aking True to Life Story ay aking Favorite Actor walang iba kong hindi si Brother Abdulaziz Robin Padilla Al-Haj.


Company

G.Tech Co.Ltd


Title

Computer Technician


Comment Wall

You need to be a member of Call Center Planet to add comments!

Join Call Center Planet

Comments are closed.

Comments

This reply was deleted.